Friday, May 17, 2024

Albayalde may karapatang magsampa ng kaso sa mga nagdawit sa kanya sa isyu ng ‘ninja cops’ — Lacson

- Advertisement -

Karapatan ni Philippine National Police o PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na sampahan ng kaso ang mga retiradong opisyal na nag-dawit sa kaniya sa isyu ng ‘ninja cops’.

Ito ang binigyang diin ni Senator Panfilo ‘’Ping’’ Lacson matapos ibabala ni Albayalde na nais niyang maghain ng kaso laban kay dating CIDG deputy director for operations Rudy Lacadin.

Ayon kay Lacson, dapat na mag-ingat si Albayalde sa kaniyang mga hakbang dahil ang pag-sasampa aniya ng kaso ay maituturing na “double-edged sword.”

Aniya, tamang lamang na ipagtanggol ni Albayalde ang kaniyang sarili ngunit dapat din nitong alalahanin na posibleng lalo pa siyang madiin sa kaniyang nais na gawin.

Dagdag pa ng senador, totoong inosente pa sa ngayon si Albayalde dahil hindi pa naman talaga napatutunayan na may kinalaman ito sa naturang drug operations sa kabila ng mga nabunyag sa pagdinig ng Senado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -