Friday, May 3, 2024

Panelo sa hirap ng pag commute niya kahapon: ‘’Sanayan lang’’

- Advertisement -

“Sanayan lang”.

Ganito inilarawan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hirap na kaniyang naransan sa pag-commute kahapon.

Ito ay matapos kumasa si Panelo sa hamon sa kaniya ng mga militanteng grupo na mag-commute papuntang Malacañang matapos nitong sabihin na walang transportation crisis sa bansa.

Inabot ng mahigit tatlong oras ang biyahe ni Panelo mula Marikina patungo sa kaniyang tanggapan sa Malacañang, kung saan umabot sa apat na pampasaherong jeep ang sinakyan ni Panelo bago ito nakarating sa Maynila.

Gayunman, nanindigan naman si Panelo na wala talagang transportation crisis sa bansa dahil ang mayroon aniya ay isang “traffic” crisis.

Kaugnay nito, sinabi naman ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na hindi tama na lagi na lamang pagpapa-sensiyahan ng taumbayan ang matinding problema sa trapiko.

Aniya, ang haba ng oras na inabot ng biyahe ni Panelo ay patunay lamang na malala na ang estado ng trapiko sa bansa.

Samantala, muli namang inihirit ni Panelo na kung inaprubahan lamang ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng emergency powers ay matagal na aniyang nasolusyunan ang problema sa trapiko.

‘’Ang pagbabago lang, mas matindi ngayon. Mas matindi yung oras na gugugulin mo. Kung sa kaya, kaya yun kasi sanayan, alam mo katawan natin can always adjust in a hostile environment. Merong ‘’trafic crisis’’ pero hindi ‘’transportation’’ kasi when you say ‘’transportation crisis’’, wala ka nang sinasakyan. Paralyzed ang buong traffic,’’ ani Panelo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img