Friday, May 3, 2024

Kapalaran ni Albayalde posible nang desisyunan sa mga susunod na araw ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Posible nang desisyunan ni Pangulong Rorigo Duterte ang magiging kapalaran ni Philippine National Police o PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa mga susunod na araw.

Ito’y ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, kaugnay ng kinakaharap na isyu ni Albayalde kung saan nadawit ito sa ma-anomalyang drug operation na ikinasa ng kaniyang mga tauhan noong siya pa ay hepe ng Pampanga Provincial Police Office, taong 2013.

Ayon kay Go, maaring ngayong araw o bukas ianunsiyo ng pangulo ang hatol nito kay Albayalde.

Aniya, posible kasing kumonsulta na ang pangulo kay DILG Sec. Eduardo Año at Justice Sec. Menardo Guevarra sa naganap na cabinet meeting kahapon.

Una rito, nanindigan si Albayalde na hindi siya magbibitiw sa pwesto bagkus ay ipauubaya na lamang niya sa pangulo ang kaniyang magiging kapalaran.

Dahil dito, inatasan ni Pangulong Duterte si Año na imbestigahan ang mga alegasyon laban kay Albayalde.

Matatandaang, kumbinsido naman si Senator Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon  at Justice Committee na mabigat ang mga paratang laban sa PNP chief.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img