Monday, May 6, 2024

Abueva wala pang petsa kung kailan ang balik sa PBA

- Advertisement -

Uubra nang makasama sa practice ng kaniyang team na Phoenix Pulse si Calvin Abueva.

Kasunod na ito ng go signal ng PBA tatlong buwan matapos itong isailalim sa indefinite suspension.

Gayunman sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na wala pang petsa kung kailan pwedeng bumalik si Abueva sa PBA.

Kailangan aniyang dumaan ni Abueva sa tamang proseso at tuparin ang mga kondisyon para matanggal ang suspensyon nito.

Magugunitang si Abueva ay sinuspindi matapos tirahin si Terrence Jones ng TNT at naging pasaway sa paglalaro sa ibang liga bukod sa PBA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img