Monday, May 6, 2024

Aabot sa 4 kasunduan nilagdaan ni Pangulong Duterte at Indian Pres. Kovind

- Advertisement -

Aabot sa apat na kasunduan ang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indian President Ram Nath Kovind, kahapon.

Ito ay bilang bahagi ng limang araw na state visit ng Indian president sa bansa kasunod na rin ng imbitasyon ng pangulo dito.

Kabilang sa mga nilagdaang MOU o Memorandum of Understanding ng dalawang lider ay ang kasunduan na naglalayong palakasin ang tourism sector ng dalawang bansa pati na rin ang pagpapalakas sa technology and science department — kung saan layon nito na palaguin ang BPO o Business Processing Outsourcing sector.

Sa pagkaka-lagda ng mga naturang MOU, sinabi naman ni Kovind na tiwala siya na mas magiging maganda ang relasyon ng India sa Pilipinas.

Matatandaang noong Huwebes, Oktubre 17 ng dumating sa bansa ang Indian president kung saan magtatapos ang state visit nito sa darating na Lunes, Oktubre 21.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img