Thursday, May 9, 2024

2,500 drivers pinatatanggalan ng lisensya ng MMDA

- Advertisement -

Pinatatanggalan ng lisensya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang 2,500 driver ng mga pampublikong sasakyan na nahaharap sa multiple apprehensions.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang mga driver na maraming traffic violations ay hindi na dapat payagang magmaneho dahil nalalagay sa alanganin ang mga pasahero.

Ayon sa MMDA, nakapagtala sila ng 12,000 traffic violators sa nakalipas na buwan at 2,500 dito ay paglabag ng Public Utility Vehicles (PUV) drivers na karamihan ay bus drivers.

Sa naturang bilang kalahati lamang ang tumugon sa show cause orders na inisyu ng LTO.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img