29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Cayetano sa mga pinatalsik sa pwesto sa Kamara: Mas gusto ng intriga kaysa magtrabaho

- Advertisement -

Mas gusto ng intriga kaysa magtrabaho.

Ito, ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ay kaya’t inalis niya sina Davao City Congressman Isidro Ungab bilang chairman ng house appropriations committee at Congressman Salvador Leachon bilang head contingent ng Kamara sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Sinabi ni Cayetano na nagbabala na siya noong isang linggo na ang mga nasa posisyon sa Kamara ay maaari munang magbitiw sa puwesto at bumalik na lamang kung si Congressman Lord Allan Velasco na ang house speaker.

Naghahanap aniya siya ng mga maaayos magtrabaho kaya’t ipinalit niya kay Ungab si ACT-CIS representative Eric Yap at si Kabayan Representative Ron Salo sa HRET.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -