Tuesday, May 7, 2024

2019 nCoV-ARD ‘infectious’ ngunit ‘di nakamamatay —DOH

- Advertisement -

Aminado ang Department of Health (DOH) na ‘infectious’ ang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD), ngunit hindi ito nangangahulugang nakamamatay ang virus.

Ito ang binigyang linaw ng tagapagsalita ng DOH na si Usec. Eric Domingo dahil sa tumataas na bilang ng persons under investigation (PUIs) sa Pilipinas dahil sa virus.

Ayon kay Domingo, 2% lamang ang fatality rate ng 2019 nCoV-ARD, habang 98% naman ng mga naapektuhan ng sakit ang bumuti ang kalagayan at tuluyang gumaling mula sa virus.

Kaugnay nito, tiniyak ni Domingo na hindi natatakot ang mga health workers na siyang front liner sa mga pasyenteng naapektuhan ng sakit dahil mayorya sa mga nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD ang bumuti ang kalagayan.

Samantala, sinabi naman ni Domingo na obligado ang mga level 2 at level 3 na mga ospital, at iba pang mga ospital na mayroong infectious disease ward at isolation rooms na i-admit ang mga pasyenteng pinaghihinalaang mayroong 2019 nCoV-ARD.

Ibinabala ni Domingo na posibleng bawiin ang mga lisensya ng mga nabanggit na uri ng ospital na tatangging tumanggap ng PUIs sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img