Balitang may kumpirmadong kaso ng nCoV sa PGH ‘fake news’ —DOH

0
25

Peke ang balitang mayroong kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa Philippine General Hospital (PGH).

Ito, ayon sa Department of Health (DOH), ay kaya’t hindi na dapat ipinapakalat pa sa publiko ang nasabing balita.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na kung may matatanggap na ganitong balita, huwag nang iforward o i-share pa sa kanilang Facebook wall.

Tanging sa Facebook page lamang ng DOH inilalagay ang mga kumpirmadong impormasyon at datos tungkol sa 2019 nCoV-ARD.