Sunday, May 5, 2024

2 drug personality patay sa Pasay City

- Advertisement -

Patay ang dalawang umano’y drug personalities matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isang sementeryo sa Aurora Blvd. cor. Sgt. Mariano St. Brgy. 148, Pasay City.

Ayon sa inisyal na impormasyon, dead on the spot ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nabatid na nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng TMRU sa pangunguna ni Police Sr. Insp. Neil Deveratura nang may lumapit na isang residente at nagsumbong hinggil sa drug activities sa lugar.

Nang puntahan ito, nagulat ang mga pulis nang paputukan sila ng mga lalaki dahilan upang gumanti sila na nag-resulta sa pagkamatay ng mga ito.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang ilang sachet na naglalaman ng umano’y shabu, isang kalibre .45 baril, isang kalibre .22 na baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img