32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ilang lugar sa bansa nagpatupad na ng preemptive evacuation bilang paghahanda sa bagyong Samuel

- Advertisement -

Nagpatupad na ng preemptive evacuation ang may limang lungsod at munisipalidad na apektado ng bagyong Samuel.

Ito’y kaugnay sa pananalasa ng bagyong Samuel na ayon sa PAGASA ay may posibilida pang lumakas sa pagiging tropical storm bago tumama sa kalupaan.

Batay sa situation report mula sa NDRRMC, kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng preemptive evacuation ang Cagdiano, San Jose, Surigao City, Cagawait at Hinatuan.

Papalo naman sa halos 3,000 pasahero ang istranded sa mga pantalan kabilang na ang 412 rolling cargoes, 107 barko at 31 motorbancas.

Ito’y sa Central Visayas, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Visayas at Northeastern Luzon.

Sa kasalukuyan, nakataas na ang BLU Alert sa mga lugar ng CARAGA, Eastern Visayas at  mga lalawigan ng Davao Oriental, Compostella Valley, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, Bohol at Cebu

Habang nakataas na ang red alert status sa mga lalawigan ng Samar, Leyte at Dinagat Island kung saan magla-landfall ang bagyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -