Chinese President Xi Jinping ikinagalak ang pagsalubong sa kanyang pagdating sa bansa

0
53

Ikinagalak ni Chinese President Xi Jinping ang mainit na pagsalubong sa kanya sa pagdating niya sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Xi ang mga batang kumaway sa kaniyang mga dinaanan hawak ang mga banderitas ng Pilipinas at China.

Sa opening statement ni Xi sa kanilang bilateral meeting sa Malakanyang, sinabi nito na masaya siya sa magandang takbo ng relasyon ng dalawang bansa.

“I have seen the welcoming crowd including the local people and young students. And, we have in deeply moved and satisfied to see the growth in our relation.” Pahayag ni Chinese President Xi Jinping.

Sinangayunan din ng lider ng China ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maituturing na makasaysayan ang naging tagpo kahapon dahil magiging daan ito tungo sa mas malalim na relasyon ng dalawang bansa.

“Mr. President, I agree based with what you have said in your opening remarks, that my visit will be a milestone in the exchange between our two countries.” Dagdag ni President Xi.

Kasabay nito, tiniyak ni President Xi ang patuloy na pagsuporta at kahandaan sa pakikipagtulungan sa upang mapanatili ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“I’m ready to work with you to chart the course for the future developmental relations from a strategic perspective, deepened friendship and cooperation so that our two countries will always be good neighbors, good friends, and good partners that enjoy common development and prosperity.” Ani President Xi.