Monday, May 6, 2024

10 Alkalde na bigong ipatupad ang paglilinis sa mga sidewalk, bangketa kinasuhan ng DILG

- Advertisement -

Kinasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang mga 10 alkalde na bigong tanggalin ang mga sagabal sa mga kalsada.

Hiniling ng DILG na mapatawan ng dalawang buwang preventive suspension ang mga Alkalde dahil sa pambabalewala sa memorandum circular 121 na nag-uutos ng paglilinis sa mga kasalda at bangketa.

Hindi tinukoy ng DILG kung saang mga bayan at munisipalidad ang naturang mga Alkalde ngunit nilinaw na wala namang local official na mula sa metro manila ang kasama sa mga kinasuhan.

Samantala, maglalabas umano ng panibagong direktiba ang DILG para ipagpatuloy ang road at sidewalk clearing hanggang sa makasanayan na ng mga Alkalde ang trabaho.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img