PNP jail warden pinagpapaliwanag kung bakit nakalabas si Nova Princess Parojinog

0
17

Pinagpapaliwanag ng Quezon City Regional Trial Court ang jail warden ng PNP custodial center sa Camp Crame kung bakit pinayagan nito si Nova Princess Parojinog na dumalaw sa kanyang kapatid sa Camp Bagong Diwa nang hindi alam ng Korte.

Ayon kay Judge Mitushealla Casiño ng QC Court Branch 228, mayroon lamang limang araw ang warden gayundin ang mga abogado ni Parojinog para magpaliwanag.

Umabot sa kaalaman ng Korte na binisita ni Nova Princess ang kanyang kapatid na si Reynaldo Parojinog Jr. noong November 12, 2018 na walang anomang mosyon na inihain sa Korte.

Una nang naaresto ang dalawa kasunod ng madugong drug raid sa kanilang tahanan kung saan nasawi ang kanilang amang si Reynaldo Parojinog Sr. at 14 na iba pa sa Ozamis City, Misamis Occidental.

Nahaharap ang dalawa sa kasong illegal possesion of firearms and explosives.