Friday, May 17, 2024

Zarate ipinasasapubliko ang aktuwal na gastos ng mga oil companies

- Advertisement -

Ipinasasapubliko ni Bayan Muna Representative Carlor Zarate ang aktuwal na gastos ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Ito ay kasunod ng panibagong oil price hike na ikakasa ngayong Martes, ika-23 ng Hunyo.

Paliwanag ni Zarate, bukod kasi sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay walang nakakaalam ng aktuwal na gastos ng mga kumpanya sa pagbebenta ng langis gaya ng refining coast, storage, transportation, sweldo at maging advertising cost.

Ayon pa sa kongresista, pampitong beses nang nagpapatupad ng malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngunit wala pa ring paglilinaw kung mayroon bang nangyayaring overpricing.

Ibinabala naman nito na maaaring gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan nito sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One act kaugnay sa isyu ng overpricing at unbundling ng presyo kada litro ng produktong petrolyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -