Saturday, May 4, 2024

Villar itinangging pamilya nila ang mag take-over sa pagsu-suplay ng tubig

- Advertisement -

Itinanggi ni Senator Cynthia Villar na ang kanilang pamilya ang mag te-take over sa pagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila mula sa 2 water concessionaires.

Ito ay matapos na i-kumpara at papurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang asawa ng senadora na ang bilyonaryo at dating Senate President na si Manny Villar kung saan sinabi ng Pangulo na nakamit nito ang kaniyang tagumpay ng dahil sa kaniyang pagsusumikap hindi kagaya ng mga may-ari ng Manila Water at Maynilad.

Ayon sa Senadora, dati na kasing nakasama ng kaniyang asawa ang Pangulo kaya’t batid aniya nito ang hirap at pagsusumikap nito para ma-ipundar ang kanilang ari-arian at mga negosyo.

Gayunman, sinabi naman ng senadora na kanilang dumaan sa masusing pag-aaral ang lahat ng negosyo na kanilang papasukin.

Kabilang sa mga negosyo na hawak ng pamilya Villar ang Prime Water Infrastracture Corp., na nagsusuplay naman sa kalahating milyong konsyumer sa higit 70 water districts.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img