Saturday, May 18, 2024

Pagbibigay proteksyon sa mga caregivers isasalang na sa Kamara

- Advertisement -

Nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga caregivers.

Ito ay sa ilalim ng inaprubahang substitute bill para sa welfare and protection ng mga caregivers na  nasa bansa at sa ibang bansa.

Layon nito na magkaroon ng mahigpit na polisiya sa private employment agencies na tumatanggap ng mga caregivers sa pamamagitan ng paglilisensiya at pag-regilate sa mga ito ng Department of Labor and Employement (DOLE).

Pinatitiyak din dito na kailangang makatanggap ng tamang sahod at nararapat na benepisyo ang mga caregivers sa loob at labas ng bansa.

Dapat din na sumailalim sa pre-employment orientation ang mga caregivers at mga employers gayundin ang pagkakaroon ng kontrata upang malinaw ang karapatan ng caregiver at employer nito.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -