32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaires kinansela na ng MWSS

- Advertisement -

Kinansela na ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) Board of Trustees ang resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa dalawang water concessionaires.

Ito mismo ang kinumpirma ni MWSS Chairman Reynaldo Velasco kung saan noong nakaraang linggo pa aniya kinansela ng MWSS board ang resolusyon na nagpapalawig sa kasunduan ng pamahalaan sa Manila Water at Maynilad mula 2022 hanggang 2037.

Ibig sabihin, hanggang 2022 na lamang hahawakan ng Maynilad at Manila Water ang water distribution sa Metro Manila.

Dahil dito, magkakaroon muli ng panibagong negosasyon para sa concession agreement matapos ang 2022.

Magugunitang, matinding ikinagalit ni Pang. Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Arbitration Court sa Singapore kung saan pinagbabayad ang pamahalaan ng mahigit pitong bilyong piso sa Manila Water matapos umanong malugi dahil sa hinarang na taas singil sa tubig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -