- Advertisement -
Itinanggi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kumakalat sa social media na nagpapatupad umano sila ng 14-day quarantine sa mga biyahero mula sa mahigit 20 bansa na may kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon sa DILG, ang infographic na kumakalat ay hindi inisyu ng ahensya.
Nilinaw rin ng kalihim na mahigpit lamang na ipinapatupad ang 14-day quarantine sa mga biyaheong mula China, Hong Kong at Macau.
Samantala, ang iba pang mga pasahero na manggagaling sa ibang bansa na apektado ng 2019 nCoV-ARD ay maaaring magboluntaryong magpa-quarantine.
- Advertisement -