29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

2020 inflation forecast itinaas ng BSP

- Advertisement -

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation forecast ngayong taong 2020.

Batay sa tala ng BSP, mula sa 2.9% ay maaaring pumalo pa ang inflation sa 3% o kabuuang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at presyo ngayong taon.

Ayon kay BSP deputy governor Francisco Dakila Jr., ang pagtaas ng inflation ay bunsod ng African Swine Fever (ASF) at pagputok ng Bulkang Taal.

Aniya, mayroon ring epekto sa ekonomiya ng bansa ang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD), partikular na sa turismo at mga pinapadalang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -