25.8 C
Manila
Sunday, July 25, 2021

UAE nagsagawa ng malawakang disinfection vs. COVID-19

Nagsagawa ng malawakang disinfection sa United Arab Emirates (UAE) kasabay ng pagpapaalala sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan.

Batay sa ipinadalang emergency alert sa mga residente ng Dubai, ipinagbabawal sa mga residente ang paglabas sa lansangan lalo na kung oras ng ginagawang disinfection.

Gumagamit ng malaking drone sa ginagawang sterilization upang maabot ang malaking bahagi ng lansangan ng Dubai.

Sa huling datos, mayroong 333 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa UAE at dalawa ang nasawi.

Related Articles

Stay Connected

0FansLike
2,872FollowersFollow
18,100SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles