Isang DepEd official positibo sa COVID-19

Isang DepEd official positibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
23 views

Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) mula sa Mandaluyong.

Ito ang kinumpirma ng DepEd kung saan isa umano nilang school division official sa Mandaluyong ang positibo sa nasabing sakit

Sa ngayon ay nasa ospital na ang pasyente at bumubuti na umano ang kondisyon nito.

Tiniyak naman ng DepEd na agad nilang isinagawa ang contact tracing gaya ng utos ng Department of Health (DOH).

Ang nasabing opisyal ay dumalo sa mga national event gaya ng National Festival of Talents at National Schools Press Conference.

0 comment

Related Posts