Saturday, May 4, 2024

Turismo sa bansa malulugi dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Matatapyasan ng aabot sa P42.9-B na ang kita ng turismo sa bansa dahil sa 2019 novel coronavirus (COVID-19).

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, ang naturang halaga ay kanilang pagtataya hanggang sa buwan ng Abril.

Batay sa tala ng Civil Aeronotics Board, nasa 465 ang flights na apektado ng kanselasyon kada linggo.

Aniya, apektado rin ang mga cruise sa iba’t-ibang pantalan sa bansa sa kanselasyon ng mga biyahe.

Gayunman, tiniyak naman ng kalihim na mayroon na silang plano kasama si Pangulong Rodrigo Duterte upang maitaguyod ang turismo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img