28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

BOC kinapos sa 2019 target collection

- Advertisement -

Kinapos ang Bureau of Customs (BOC) sa kanilang target collection para sa taong 2019.

Batay sa preliminary report ng BOC-financial service, nakakolekta sila ng P630.47-B o 95.4% nakaraang taon na mas mababa sa target na P661.0-B.

Nakasaad rin sa naturang report na walo sa 17 collection districts ay hindi rin umabot sa inaasahang kita ng ahensya.

Samantala, nakapagtala naman ng pinakamataas na koleksyon ang Manila International Container Port, Port of Batangas at Port of Manila na kung saan ay kumita ito ng P164.40-B, P152.222-B at P74.812-B.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -