2 Pinoy na inilikas mula Wuhan, China negatibo sa COVID-19 –– DOH

0
19

Nagnegatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawa sa 32 Pilipinong inilikas mula sa Wuhan, China.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang dalawa dahil sa diarrhea pero wala itong mga lagnat at ubo.

Aniya, muling susuriin ang dalawa sa oras na matapos nila ang 14 days quarantine period.

Samantala, nilinaw rin ng kalihim na hindi sila pabor maging ang World Health Organization (WHO) na palawigin sa 24 na araw ang quarantine period.