Sunday, May 5, 2024

Tripulanteng Pinoy na nagpositibo sa nCoV bumubuti na ang kalagayan

- Advertisement -

Bahagyang bumubuti ang kalagayan ng tripulanteng Pinoy sa Japan matapos mag positibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Robespierre Bolivar, Philippine Deputy Chief of Mission to Japan, kasalukuyang nasa isang ospital sa Japan ang Pinoy OFW kung saan ito binibigyan ng atensyong medikal.

Sinabi ni Bolivar, 538 na Pilipino ang lulan ng Diamond Princess cruise ship sa Japan –pito rito ang guest passengers habang ang iba naman ay crew members ng barko.

Sa ngayon nasa 61 pasahero ng cruise ship ang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD habang hinihintay pa rin ang abiso ng Japanese government kung mayroon pang ibang Pinoy ang nagpositibo sa virus.

Samantala, isinailalim naman na sa quarantine ang buong cruise ship upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img