Thursday, May 9, 2024

Kaligtasan ng OFWs na nais bumalik ng China, HK pinatitiyak

- Advertisement -

Dapat na tiyakin ng gobyerno ng China ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bago payagan ng pamahalaan ang mga ito na maka-alis ng bansa.

Ito ang binigyang diin ni Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, matapos ang patuloy na pag-apela ng mga OFWs kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang makalabas ng Pilipinas.

Kaugnay ito ng ipinatutupad na travel ban sa China at special administrative regions nito na Hong Kong at Macau dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Sinabi ni Nograles, hinihintay na lamang nila ang pormal na kasulutan mula sa China, Hong Kong at Macau para garantiyahan ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino sa kanilang pag-alis ng bansa.

May binanggit po si Secretary Locsin na ginagarantiya naman daw ng gobyerno ng China pati ng Hong Kong ang safety ng ating mga kababayan, so, hinihintay nalang namin ‘ynug formal na communication mula sa China or mula sa Hong Kong na igagarantiya nila ‘yung safety pati ‘yung health ng ating mga kababayang OFWs ‘pag sila po ay bumalik sa China at Hong Kong,” ani Nograles. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img