Tuesday, May 7, 2024

Travel ban sa China, Hong Kong, Macau mahigpit na ipatutupad

- Advertisement -

Mahigpit na ipatutupad ng mga otoridad ang travel ban sa China, Hong Kong at Macau.

Ito ang binigyang diin ni Carmelo Arcilla, Executive Director ng Civil Aeronautics Board (CAB) matapos na ipag utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang naturang travel ban dahil sa lumalalang kaso ng novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD)sa bansa.

Ayon kay Arcilla, tanging mga Pilipino lamang at mga dayuhang mayroong permanent resident visas ang papayagang makapasok sa bansa.

Dagdag pa nito, malinaw sa direktiba ng pangulo na otomatikong isasailalim sa 14-day quarantine ang mga Pilipino at dayuhang resident-visa holders na magmumula sa China, at special administrative regions nito, o di kaya naman ay may travel history sa nabanggit na lugar sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na ayon sa Bureau of Quarantine na imbes na dalhin sa ispesyal na pasilidad ang mga Pilipino ay papayagang itong mag 14-day self quarantine sa kani-kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Monreal na 2 beses sa isang araw susuriin ng mga eksperto mula sa National Epidemiology Center ang kalagayan ng mga Pilipinong isasailaim sa 14-day self quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img