Pagbibigay ng visa sa mga foreigners na mayroong travel history sa China sinuspindi

0
23

Sinuspindi na ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakaloob ng visa sa mga dayuhang manggagaling sa China, at sa Special Administrative Regions nito na kinabibilangan ng Macau at Hong Kong.

Batay sa abiso ng DFA, sakop ng suspensiyon na ito ang mga dayuhang direktang magmumula sa China, Hong Kong at Macau at mga dayuhang nag-tungo sa nabanggit na lugar sa nakalipas na 14 na araw.

Sakop din anila ng travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan ang mga dayuhang may visa-free priveleges na nagtungo sa mga nabanggit na lugar sa nakalipas na 14 na araw.