Friday, May 3, 2024

Traffic violators sa NCR mula June 1 halos 400 na —PNP-HPG

- Advertisement -

Naticketan ang halos 400 motorista matapos na lumabag sa batas-trapiko simula nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine noong unang araw ng Hunyo.

Ayon kay Philippine National Police – Highway Patrol Group NCR Dircetor Police Colonel Wilson Doromal, mayorya sa mga lumabag ay dahil sa pagdaan sa maling lane.

Bukod dito, marami rin aniyang mga plate number, blinkers at unauthorized gadgets sa mga sasakyan ng mga nagpapanggap na frontliners ang nakumpiska ng mga otoridad simula naman noong Marso.

Samantala, sa kabila ng dumaraming bilang ng mga sasakyang lumalabas sa ilalim ng GCQ, tiniyak pa rin ni Doromal na mananatiling mabilis ang daloy ng trapiko sa EDSA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img