35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagbubukas ng klase sa August 24 ‘wag pilitin kung ‘di kaya —Robredo

- Advertisement -

Umaapela si Vice President Leni Robredo sa Department of Education (DepEd) na huwag pilitin ang muling pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto kung hindi kaya.

Ayon kay Robredo, dapat na amyendahan ang batas kaugnay sa pagbabalik ng klase kung saan maaari naman itong iurong sa mga susunod na buwan upang makapaghanda pa ang departamento at mga  guro.

Aniya, marami kasi sa mga guro ang nababahala at nagdududa sa preparasyon ng new blended learning.

Iginiit pa ni Robredo na walang problema sa content nito at ang tanging problema lamang ay ang pagsalin ng content upang maging akma sa tinatawag na “distance learning”.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -