Tuesday, May 7, 2024

Trabaho ni Robredo bilang drug czar maayos na nagampanan— PNP spox

- Advertisement -

Maayos na nagampanan ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang tungkulin bilang anti-drug czar sa loob ng 19 na araw na panunungkulan nito sa naturang posisyon.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. Gen. Bernard Banac matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang co- chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Banac, wala namang nilabag si Robredo sa mga ikinasang drug operation noong nanungkulan ito bilang co-chair ng ICAD.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na sinibak ng pangulo si Robredo dahil mas inatupag pa aniya ni Robredo ang pakikipag pulong sa mga opisyal ng Estados Unidos sa halip na maglatag ng mga programa para masugpo ang illegal drugs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img