29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Velasco umaasang susundin ni Cayetano ang napagkasunduang term sharing

- Advertisement -

Umaasa si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na tatalima si House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanilang term-sharing agreement.

Ayon kay Velasco, usapang lalaki ang kanilang naging kasunduan ni Cayetano kaya’t wala namang siyang nakikitang dahilan para hindi nito sundin ang kanilang napag-kasunduan.

Dagdag pa ni Velasco, nakatuon ang kaniyang atensyon bilang chairman ng House Committee on Energy, kaya’t hanggat maari ay ayaw niyang pag-usapan ang naturang usapin.

Aniya, hindi rin niya nais na mahati ang atensyon ni Cayetano at nais niya itong malayang makapag trabaho bilang lider ng Kamara.

Matatandaang sa ilalim ng nasabing term-sharing scheme, si Cayetano ang unang uupo bilang House speaker sa loob ng 15 buwan, habang si velacso naman ang hahalili sa kaniya sa nalalabing panahon ng 18th Congress o katumbas ng 21 buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -