Monday, May 6, 2024

Suplay ng anti rabies vaccine sa buong mundo kapos na ayon sa DOH

- Advertisement -

Tinitipid ngayon ng DOH o Department of Health ang suplay ng bakuna kontra rabies.

Paliwanag ni DOH Undersecretary Rolando Domingo, ito ay dahil kapos ang naturang bakuna sa buong mundo bunsod ng pagsasara ng isang drug company na nagsusuplay nito sa maraming bansa.

Dahil dito, kailangan aniyang pagkasyahin muna ang natitirang suplay ng anti-rabies vaccine ng bansa.

Kasabay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na agad magtungo sa ospital ng gobyerno ang makakagat o makakalmot ng hayop dahil marami na umanong pribadong ospital ang wala na ngayong imbak na anti-rabies vaccine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img