Friday, May 17, 2024

Roque sa tip ng Pangulong Duterte na ‘i-disinfect ng gasolina ang face mask’: Biro lang

- Advertisement -

Biro lamang.

Ito ang naging pagdepensa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ibinigay na payo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

Kaugnay ito ng naging pahayag ng pangulo na maaring gamitin ang gasolina bilang pang-disinfect ng mga face masks.

Ayon kay Roque, sa apat na taong panunungkulan ng pangulo ay dapat kabisado na ng publiko ang mga hirit, at biro nito.

Una rito, sinabi ni pang. Duterte na maaring gamiting muli ang mga surgical masks basta’t i-sprayan lamang ito ng alcohol, o di kaya naman ay ibabad sa gasolina.

Kaugnay nito, nanindigan naman si roque na pursigido ang pangulo na mamigay ng libreng face masks para sa mga filipino upang makaiwas sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -