Wednesday, May 8, 2024

Robredo sinampahan ng patung-patong na kaso ng PNP-CIDG

- Advertisement -

Patung-patong na kaso ang isinampa laban kay Vice President Leni Robredo, at ilan pang personalidad na idinadawit sa ‘Ang Totoong Narco list’ video ni alyas ‘Bikoy’.

Isinampa ng PNP-CIDG sa Department of Justice ang kasong inciting to sedition, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice laban kay Robredo, Sen. Leila De Lima, Risa Hontiveros at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Kabilang rin naman sa mga sinampahan ng kaso ang mga natalong kandidato ng Otso Diretso na sina dating Magdalo Rep. Gary Alejano, dating Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno at dating ex Solicitor General  Florin Hilbay at ilan pang mga obispo.

Ibinulgar sa ‘Ang Totoong Narco list’ videos na tumatanggap ang ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pera mula sa operasyon ng iligal na droga ngunit kinalaunan ay bumaliktad ang nasa likod ng video na si alyas ‘Bikoy’ kung saan sinabi niyang ginamit lamang siya ng oposisyon para sirain at mapaalis sa pwesto ang pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img