Bagyong ‘Goring’ isa na lamang LPA

0
49

Humina na at isa na lamang low pressure area (LPA) ang tropical depression na Goring.

Ito ay batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA kung saan huling namataan ang LPA sa layong 545-kilometro sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Dahil dito, tinanggal na ang tropical cyclone warning signal no. 1 na itinaas sa Batanes.

Samantala, bagama’t isa na lamang LPA ay sinabi pa rin naman ng PAGASA na makararanas pa rin ng mahina hanggang katamtaman na pag ulan ang Ilocos Region at Babuyan Islands.

Habang, mapangib at ipinagbabawal pa rin naman ang paglalayag sa northern at western seaboard ng northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.