Monday, May 6, 2024

Robredo kailangan ng malawak na kaalaman sa ‘war on drugs’ —PACC chair

- Advertisement -

Kailangan ng malawak na kaalaman sa war on drugs,”

Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chair. Dante Jimenez kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Jimenez, ang kailangan ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) ay ang lider na mamumuno kung paano matutunton ang pinanggagalingan ng ilegal na droga sa bansa at kung paano masasawata ang mga taong gumagamit at nagtutulak nito.

Iginiit ni Jimenez na hindi pa malawak ang kaalaman ng bise presidente kaugnay dito dahil nagsisimula pa lang itong pag-aralan ang lawak at lalim ng problema kontra giyera sa droga sa bansa.

Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang PACC kaugnay sa naturang usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img