Baguio: Probinsiya ng Benguet kinilalang kanlungan para sa mga banyagang nagnanais na magretiro sa Hilagang Luzon

0
15
photo courtesy of PIO Benguet

La Trinidad, Benguet – Inihayag ng Philippine Retirement Authority (PRA) na ang probinsiya ng Benguet, kasama ang lungsod ng Baguio ay nananatiling paboritong pinupuntahan ng mga banyagang retirees sa hilangang Luzon sa mga nakalipas na mga taon.

Ayon kay PRA Baguio and Northern Luzon cluster officer-in-charge Frederick Pati, ito ay base sa mga magagamit na datos. Ang probinisya ng Benguet ang punong abala sa mga 529 na banyagang retirees; sinundan ito ng Pangasinan na may 286; Isabela may 195; Abra – 182; La Union – 118; Cagayan – 83; Ilocos Sur – 77; Ilocos Norte – 38; Mountain Province – 7; Batanes at Apayao na may tig-5 at ang Ifugao may 1.

Idinagdag ni ginoong Pati na ang Philippine Retirement Authority ay patuloy na pinapalawak nito ang pakikipag-ugnayan nito sa mga interesadong marketers upang tulungan ang mga banyagang retirado ng naghahanap ng matutuluyan sa Hilagang Luzon na iproceso ang kinakailangang papel para sa pagpapalabas ng kanilang special resident at retirement visa ng mabilis upang kumbinsihin sila na maglagi na lamang sa gusto nilang lugar sa Hilagang Luzon.

Naniniwala siya na ang Hilagang Luzon ay patuloy na makakuha ng malaking bilang ng mga banyagang retirado sa bansa kasunod ng pagkabawi ng mga bansa mula sa pagkalukmok sa kahirapan na kanilang naranasan sa kasagsagan ng Covid-19 sa nakalipas na tatlong taon.

Sa ilalim ng programa ng Philippine Retirement Authority, ang mga banyagang retirado ay kinakailangang na maglagay o magdeposit ng $20,000 sa banko na kanilang gusto na kikita ng interest habang sila ay nasa bansa. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIA Cordillera)

Leave a Reply