33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagkawala ng 9 kabataan sa Pasay ‘di maituturing na kidnapping —Pasay police

- Advertisement -

Hindi maituturing na kidnapping ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pagkawala ng siyam (9) na kabataan sa Pasay City.

Ayon kay Pasay Police Chief, Col. Bernard Yang, ilang araw na ang nakalilipas at wala pa rin silang natatanggap na tawag na nanghihingi ng pera kung kaya’t kinokonsidera lamang nila itong ‘missing persons’.

Ilang araw na po ang nakakaraan, wala naman po’ng mga tawag sa kanila na demand ng pera, so, ito po ay kino-consider lang po natin na ‘missing person’,” ani Yang.

Aniya, pito lamang mula sa siyam na napaulat na nawawala ang opisyal na nareport na nawawala sa Pasay.

Samantala, tiniyak naman ni Yang na patuloy ang kanilang pagiimbestiga sa tulong narin ng mga CCTV footages upang matunton kung saan napunta ang mga nawawalang kabataan.

Patuloy pa po ‘yung ating pag-iimbestiga, kinakalap pa po natin ‘yung mga CCTV footages kung saan po sila nawala,” ani Yang. —sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -