‘Overcharging’ itinanggi ng Grab PH

0
23

Itinanggi ng Grab Philippines ang naging akusasyon ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na may overcharging sila sa kanilang mga pasahero.

Ayon sa Grab, kanila lamang sinusunod ang fare matrix na ibinigay sakanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bagamat mariin nilang pinabulaanan na mayroon silang overcharging ay susundin parin nila ang utos ng Philippine Competition Commission (PCC) na pagbabayad ng P5-million refund sa sa kanilang mga customers.