33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Robredo et al. ipinatawag na ng DOJ kaugnay sa sedition case na isinampa ng PNP

- Advertisement -

Ipinatawag na ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Leni Robredo at ang 35 iba pang respondent sa kasong sedition na isinampa ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos itakda ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kaso sa darating na Agosto 9, 10 ng umaga.

Maliban kay Robredo, kabilang rin sa mga ipinatawag ng DOJ sina Sen. Leila De Lima, Risa Hontiveros at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Respondent din sa kaso ang Otso Diretso senatorial candidates na sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romulo Macalintal at Erin Tañada at iba pang mga obispo.

Kaugnay nito nanindigan naman ang kampo ni Robredo na haharapin nila ang inihaing reklamo.

Samantala, tiniyak rin naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magiging patas ang DOJ sa paghawak ng kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -