Thursday, May 2, 2024

Abante hinamong magbitiw sa pagka-kongresista si Dagooc

- Advertisement -

Hinamon ni House Minority Leader Benny Abante si APEC party-list Rep. Sergio Dagooc na magbitiw na bilang kongresista kasunod ng bomb joke nito sa NAIA.

Ayon kay Abante, kung hindi kaya ni Dagooc na umasal ng tama, bilang tao at isang mambabatas ay mas makabubuti na mag-resign na lamang ito.

Aniya, dapat isipin ng mga kongresista na nakatingin sa kanila ang publiko kaya’t hindi anya katanggap-tanggap na mismong mambabatas pa ang humihila pababa sa imahe ng kamara.

Sinabi rin ni Abante na malaki ang epekto ng inasal ng mambabatas sa institusyon ng mababang kapulungan dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente, kasunod ng ginawang panununtok ni Ang Probinsiyano Rep. Alfred Delos Santos.

Matatandaang Huwebes ng gabi ng hinarang sa NAIA si Dagooc matapos nitong sabihin na mayroon siyang dalang bomba, ngunit pinauwi rin ito ng mga otoridad dahil sa immunity ng mga kongresista kung saan hindi ito maaring arestuhin habang may sesyon at kung ang nagawang krimen ay may parusang pagkakakulong ng hindi tataas sa anim na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img