Wednesday, May 8, 2024

Pag-ban ng mga e-trike sa Maynila iginagalang ng DOTr

- Advertisement -

Iginagalang ng Department of Transportation (DOTr) ang kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na i-ban ang mga e-tricycles sa lungsod.

Ayon kay DOTr undersecretary Mark Richmund De Leon, may kapangyarihan ang mga local government unit (LGU) na magbigay o magtanggal ng prangkisa upang makapag-operate ang mga tricycle sa kanilang hurisdiksyon.

Nilinaw din ni De Leon ang naunang memorandum circular na inilabas ng DOTr at DILG na nagbabawal sa mga tricycle sa national roads.

Aniya, nakasaad sa joint memorandum circular ng dalawang ahensya na ang operasyon ng mga tricycle ay dapat sa mga municipal at city roads lamang.

Samantala, idinagdag pa ng opisyal na kailangang maglabas ng memorandum ang LTO na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng mga e-trikes at e-scooters.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img