Tuesday, May 7, 2024

Robredo dapat ibunyag ang mga natuklasan sa war on drugs —PDEA chief

- Advertisement -

Hinimok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Vice President Leni Robredo na isiwalat ang kanyang mga natuklasan sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito ay kaugnay ng banta ni Robredo na maglalabas siya ng ulat sa bayan sa mga susunod na araw ukol sa umano’y nadiskubre sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, dapat lamang na isiwalat ni Robredo anuman ang kaniyang nalalaman hinggil sa naturang usapin.

Tiwala rin si Aquino na makatutulong sa anti-drug war campaign anuman ang magiging rebelasyon ni Robredo.

Matatandaang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang co-chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), dalawang linggo matapos niya itong italaga sa naturang posisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img