Pilot registration para sa national ID system sinimulan na sa Kamara

0
13

Umarangkada na sa Kamara ang pilot registration ng Philippine Identification System (PhilSys) para national ID system.

Layon ng pilot registration na makuha ang demographic at biometric data nang magpaparehistro gayundin ay maitama ang anumang makikita sa sistema.

Target dito na mai-rehistro ang mahigit 4,000 kawani ng House of Representatives kasama na ang mga kongresista, mga staff, at iba pang empleyado ng Kamara.

Nakalinya na rin para sa pilot registration ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang ang mga beneficiaries ng ahensya na Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), Social Security System (SSS), at Bureau of Treasury.


Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mabigyan ng national ID ang nasa 110-milyong Pilipino sa taong 2022.

Ayon kay Marc Laurente, PSA Project Development Officer ng Philippine Identification System (PhilSys), plantsado na ang lahat ng aspeto para sa implementasyon ng Republic Act 11055 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2018.

Sa ilalim nito, pag-iisahin ang iba’t-ibang Government ID upang isang card na lamang ang kailangang i-presenta sa kahit anong transaksyon.

Ang ginagawa po natin ngayon ay pilot test registration kasi po gusto po nating masiguro na secured at may integrity yung sistema natin na ginagamit,” ani PSA Project Development Officer Marc Laurente.