Thursday, May 2, 2024

Recount ng PET pinatunayang talagang nanalo si Robredo sa vice presidential elections — Atty. Sardillo

- Advertisement -

Pinatunayan lamang ng ginawang recount ng Presidential Electoral Tribunal o PET na si Vice President Leni Robredo ang talagang nanalo noong 2016 vice presidential elections.

Ito ang naging reaksyon ni Atty. Bernadette Sardillo, isa sa mga abogado ni Robredo matapos tumaas ang bilang ng lamang nito kay dating sen. Bongbong Marcos sa naturang recount.

Ayon kay Sardillo, dapat na mag-move on na ang kampo ni Marcos dahil malinaw na ito ang talagang desisyon ng taumbayan.

Kaugnay nito, ayon naman sa Supreme Court na siya rin tumatayong PET na pumalo pa sa higit 15,000 boto ang lamang ni Robredo sa tatlong pilot provinces na napili ni Marcos sa kaniyang electoral protest.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img