Friday, May 17, 2024

Pahayag ni Duterte na malayang pumatay si Espenido ng sino man ikinaalarma ng CHR

- Advertisement -

Labis na ikina-alarma ng Commission on Human Rights o CHR ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya si Police Lt. Col. Jovie Espenido na pumatay ng sino man bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, maituturing ito na pagkunsinti sa impunity.

Aniya, hindi tama ang naging pahayag ng pangulo dahil mistulang ginagawa nitong normal ang karahasan sa bansa.

Giit pa ni De Guia, hindi rin tama na lumabag sa batas ang mga otoridad para lamang masawata ang iligal na droga sa bansa.

Kaugnay nito, nanindigan din ang CHR na ang alagad ng batas lalo na ang pulisya ay dapat na sumunod sa batas at patuloy na igalang ang karapatang pantao sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -