28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

D.A nagbabala kaugnay sa mga online sellers ng pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF

- Advertisement -

Nagbabala ang Department of Agriculture o D.A laban sa mga online sellers ng pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF o African Swine Fever.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, maari kasing maka-apekto ang naturang produkto sa hog industry sa bansa.

Aniya, mas pinaigiting na nga ng ahensiya ang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa Pilipinas kaya’t hindi talaga maaring payagan na makapasok dito sa bansa ang karneng baboy o ano mang pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF.

Sa ngayon, sinabi ni Dar na mahigpit na minomonitor ng binuong ASF Task Force ang mga online platforms para hindi na kumalat pa ang naturang pork products.

Kaugnay nito, pinayuhan din naman ni Dar ang mga hog raisers na mag-tatangkang mag puslit ng karneng baboy mula sa mga ASF affected areas na posible silang maharap sa kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -