Baguio: Dalawang hinihinalang tulak ng droga sa La Trinidad Benguet huli

0
6
(Photo courtesy of PRO Cordillera PAGE)

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang nahaharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos silang mahuli sa isang buy-bust operation sa Sitio Lamtang, Brgy Puguis, La Trinidad, Benguet noong Miyerkules.

Kinilala ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen. David K. Peredo, Jr., ang mga naarestong suspek bilang isang 28-taong gulang na lalaki at 26-na taong gulang din na lalaki, na pawang naninirahan sa Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet, at nakatala bilang mga Street Level Individuals.

Ang mga naturang suspek ay nahuli ng magkatuwang na operatiba ng La Trinidad Municipal Police Station, Benguet PPO-Provincial Intelligence Unit, at ng PDEA-CAR matapos silang magbenta na dalawang bricks ng Marijuana at dalawang bilog na pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na may bigat na mahigit kumulang na 4,000 gramo na nagkakahalaga ng Php480,000.00 sa isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer.

Ang mga naarestong suspek kasama na ang mga piraso ng ebedensiya ay dinala sa opisina ng PDEA-CAR sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.

Nasa .50 na gramo ng hinihinalang Shabu ang nasamsam sa lungsod ng Baguio. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PIO PPO Benguet)

Leave a Reply